Alden Richards at Michelle Dee usap usapan dahil sa ginawa sa Miss Universe Philippines 2024

Usap usapan ngayon sa social media ang aktor na si Alden Richards dahil sa kakaibang estilo nito sa paghohost na kung saan ikinaaliw ng ilang mga netizens.

Kalat na kalat na ngayon sa social media ang ilang clips na kuha mismo sa kakatapos lamang na Miss Universe Philippines 2024 coronation night.

Sa naganap na koronasyon na kung saan isa si Alden Richards sa mga host ng event at sya rin ang nakatoka sa pag announce ng mga pasok na kandidata.

Ikinaaliw ng mga netizens ang paraan ni Alden Richards sa pag announce ng mga kandidata dahil tila palakas na may pagkasigaw ito.

May mga pagkakataon din na tila hindi nababanggit ni Alden Richards ng buo ang bayan na nirerepresenta ng isang kandidata.

Kaya naman halo halong reaksyon mula sa mga netizens ang natanggap ng kapuso aktor lalo pa at trending na ito sa social media ngayon.

Kalat na kalat na ito sa ibat ibang social media platforms at maging sa X o dating twitter ay usap usapan din ang aktor.

Samantala naging usap usapan din sa X o dating twitter ang dating Miss Universe Philippines na si Michelle Dee.

Matapos pag usapan ng mga netizens ang paglagay nito ng korona sa nanalong kandidata na si Miss Bulacan Chelsea Manalo.

Naging trending ito matapos mapansin ng mga netizens na tila mali o nakapatong lamang sa ulo ng kandidata ang korona nito kaya ayon sa mga netizens magaling magbalanse ang nanalong kandidata.

Agad naman itong pumukaw sa atensyon ni Michelle Dee at maging sya ay natawa sa nangyare ngunit ayon sa kanyang okey naman na ito at naayos na nya…

KOMENTO NG NETIZENS :

“Congratulations Chelsea and to the proud parents. Proud Bulakena here.from Meycauyan Bulacan.”

“So much felt happiness po. Congratulations po and to Chelsea. She will shine like a diamond as she takes, with her, the Philippines in Mexico. God bless.”

“There’s a silent positivity and gratitude aura with Miss Bulacan. Congratulations for winning Miss Universe Philippines 2024! “