Alex Gonzaga , nagulat matapos malapirot ang kanyang dibdib ng isang netizen

Usap usapan ngayon sa social media ang panibagong post ni Alex Gonzaga sa kanyang Tiktok account na kung saan makikitang dinumog sya ng mga fans.

Makikita palang na sa paglabas palang ni Alex Gonzaga kasama ng kanyang asawang si Mikee ay dinumog na ito ng mga fans.

Base sa post ni Alex kasalukuyan silang nasa Ormoc para makipag kamustahan sa kanyang mga fans.

CAPTION NI ALEX SA VIDEO :

“POV : ang gusto ko lang naman makamayan ang mga taga Ormoc, kala ni ate asawa ko nadibdiban nya tumili pa ee, Akin yung nilapirot mo te “

Ang tinutukoy ni Alex Gonzaga sa kanyang post ay matapos syang magulat dahil may isang fan na biglang humawak sa kanyang dibdib.

Pabiro pa ni Alex ang akala umano ng fan ay sa kanyang asawa ang nahawakan nito dahil nakita pa nyang tumili ito at kinilig.

Dinaan ni Alex Gonzaga sa isang pabirong video ang nasabing insidente at maraming netizens naman ang humanga dito dahil sa pinakita nyang professionalism.

KOMENTO NG NETIZENS :

“Hindi nya napansin te, walang umbok “

“pag sa iba ginawa yun may issue, kaya gusto ko to si Alex hindi maissue basta happy lang “

“Hahahaha nalapirot, kung iba lang yan na artista kasohan todamax”

 “It’s a no no for me kahit flat screen ka [emoji] charrr haha pro hindi yan sadya ni ate for sure. sabik lang siya mahawakan ka without realizing na baka iba na yung mahawakan niya….. at ayun nga iba nga talaga yung nahawakan,”

“swerte naman nun, nakahawak sya ng mamahaling pader”

“This is unbelievable. This is not a funny matter at all. I hope they reprimand and sanction the person who did this to you Alex. Mygosh! This is never going to be okay! Not acceptable at all.”

Marami namang netizens ang tila hindi natuwa sa ginawang aksyon ng netizen dahil tila hindi na nito nirespeto si Alex Gonzaga.

Kaya naman karamihan sa mga netizens nagsasabing pasalamat na lamang umano ng netizen na humawak sa dibdib ni Alex dahil pinalampas lamang nito ang ginawa sa kanya.