Andi Eigenmann, sinagot ang isyu ng kanyang asawang si Philmar Alipayo

Usap usapan ngayon sa social media ang naging pahayag ng dating aktres na si Andi Eigenmann tungkol sa panloloko umano sa kanya ng kanyang asawang si Philmar.

Lumabas kasi ang balita na ito matapos kumalat ang isang tiktok video na may kasamang babae si Philmar.

Nakilala naman ang babae na kasama ni Philmar na may ari ng isang skin care brand na kung saan nilinaw nyang wag gawan ng isyu ang pag uusap nila ni Philmar.

Sa isang video sinagot nya ang tanong matapos sabihan sya ng mga taong wag umanong guluhin ang buhay na tahimik nina Andi Eigenmann.

Ayon sa kanya, wag umano lagyan ng issue ang pag uusap nila dahil wala umano silang ginagawang masama.

SAGOT NYA :

“Wag nyong lagyan ng issue ang usapan namin ni Philmar, Wala tayo sa kalingkingan ng kagandahan ni Andi.”

Samantala nagsalita naman si Andi Eigenmann para basagin ang mga isyu ngayon sa social media tungkol sa kanyang asawa.

Ayon kay Andi , wala umanong problema kung minsan ay lumalabas si Philmar kasama ang mga barkada.

Ang mas nakakahiya umano ay ang paggawa ng mga video na kung saan naedit na upang palabasin na may ginagawang masama ang kanyang asawa.

PAHAYAG NI ANDI :

“He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that. “

“What’s shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity, just for some social media attention.”

KOMENTO NG NETIZENS :

“Andi is a matured, secured and intelligent woman indeed. She knows her partner and life well. No to negative.”

“This mindset rare nalang talaga. Ung iba kasi na partner halos pagbabawalan kapa lumabas ng bahay. What a toxic trait”

“This is actually the reason why Andi wants to get out of the limelight. Yun nga lang she is still carrying the downside of being related to showbiz people. Some people think they owe half of their life kaya lahat inuurat.”

“Most of time yung mga nagsisimula ng ganitong issues eh sila talaga yung mga tao na nakakaranas ng ganito and they are just looking for other people to lash it out. Just so everybody knows that part of their own business is to accommodate tourists and guests. Mga tao nga naman, kapag hindi namansin may attitude at kapag may inertertain lalo na’t opposite gender, may something na. Geez! Get a life people!”

“Right Andi huwag kang padadala saw mga taong walang mabubuting gawa…I like you smart intelligent and beautiful..”