Bakit ngayon ka lang ni Alden sa bday ni Kathryn Bernardo, viral

Matatandaan na kamakailan lang ang nagdiwang ang aktres na si Kathryn Bernardo ng kanyang ika 28th bday sa El Nido Palawan.

Kung saan nakasama nya ang ilan sa mga malalapit nitong kaibigan maging mga nakatrabaho nito sa mundo ng insdustriya na kung napalapit na sa kanya.

Ang kanyang beach party ay dinaluhan ng ilang mga artista kasma na rito mga kapwa nya artista sa pelikulang ‘Hello Love Goodbye’ na si Kapuso Aktor Alden Richards at Kakai Bautista.

Sa video na ibinahagi sa instagram account,makikitang sabay na kinakanta ni Alden Richards at Kakai Bautista ang classic opm song na “Bakit Ngayon ka Lang”.

Nabanggit naman ng aktor na si Alden Richards kung gaano kaimportanteng tao si Kathryn Bernardo para sa kanya, na kung saan di nya umano kadalasan ginagawa ang magperfom sa mga events or party.

PAHAYAG NI ALDEN :

“Panis. Happy Birthday, Kath! Hindi ko ginagawa to, putek!”

Hindi rin mapigilan ng aktres na si Kathryn Bernardo ang kanyang sarili na matawa habang pinapanood si Alden Richards na nahihiya sa kanyang ginagawa habang kumakanta ito sa harap maraming tao.

Marami namang mga netizens ang kinilig sa nasabing performance ni Alden Richards, may ilan pang nagsabing tila dumadamoves na umano ang aktor sa aktres.

Wala naman umanong problema kung sakaling pormahan ni Alden Richards si Kathryn Bernardo dahil parehas naman silang single at pareho nang successful sa kani kanilang buhay at karera.

KOMENTO NG NETIZENS :

“sana nga kyo nlng kathden. c alden nlng kath pls mabait nmn c alden, kinikilig aq khit senior na”

“Sana kayo na talaga habang buhay.Nakakakilig!!!”

“Kaung dalawa nlng kathden”

“Baka pweding c kath nalang 3treple duwait pls,”

“Nakakakilig sana may KatDen na.”

“Hinde pa huli ang lahat alden adyan kana wag mona patagalin pa”