Kim Chiu, walang problema kung magguest si Xian Lim sa Showtime

Matatandaan na naging mainit na usapin sa social media ang dating magkasintahan na sina Kim Chiu at Xian Lim na kasalukuyan na trending ang dalawa sa social media.

Marami ang nakapansin sa mga kilos ni Kim Chiu sa programa ng It’s Showtime na tila may pinagdadaanan ito sa relasyon nila ng kanyang dating kasintahan na si Xian Lim.

Nakakarelate kasi si Kim Chiu sa mga pinagdadaanan ng mga contestants ng kanilang segments na Xpecially For You.

Hanggang sa kinumpirma na ni Kim Chiu ang paghihiwalay nila ng landas ng kanyang boyfriend na si Xian Lim dahil na rin sa mga dahilan na hanggang ngayon palaisipan parin sa mga netizens.

Samantala sa panibagong panayam kay Kim Chiu, handa naman na umano syang magtagpo ang landas nila ng kanyang ex boyfriend kung sakaling magkaroon sila ng trabaho.

Halimbawa na lamang umano nito kung sakaling mag guest ang aktor sa It’s Showtime ay okey lang umano iyan dahil hindi naman sila nang aaway.

PAHAYAG NI KIM CHIU :

“Okay lang naman, Mag guest sya sa Showtime or mag prod sila or something. Okay naman, di naman kami magkaaway or something”

Pinuri naman si Kim Chiu ng mga netizens dahil umano sa kabila ng ginawa sa kanya ni Xian Lim ay nanatili itong bukas sa mga posibilidad na magkrus ang kanilang landas lalo na sa trabaho nila sa industriya.

KOMENTO NG NETIZENS :

“Napaka buti ng puso mo kimmy Tama yan ipalagay mo nlng n ang lahat ng masayang alaala nyo ay dahil s magandang friendship n nbuo at treasure the good one as friends Mas magaan sa kalooban at Mas masaya sa,inner self mo un promise po love u kimmy”

“Sus! Pilit mo pinagtatakpan para lang maging mabuti sa paningin ng iba habang Ikaw sobrang nadudurog na”

“Apaka sports lang ni kimmy..besides mag guest lng nmn ung si Xi..peru mangangatog yan s sobrang tense.”

“Grabe naman yan, Xi. Kim dont! Pls let her heal sa kaha X”

“Ginamit nya lang si Kim para sumikat sya”