Kim Rodriguez, pinasinungalingan ang relasyon kay Marc Pingris

Matatandaan na nabulabog buong social media ngayon matapos umugong ang mga usap usapan tungkol kina Kim Rodriguez at Marc Pingris na diumano may relasyon sa pagitan ng dalawa.

Naunang umingay ang kanilang mga pangalan dahil sa mga litratong kumalat na tila iisa umano ang background at pinagkuhanan nito.

Dahil dito maraming mga netizens ang gumawa ng mga konklusyon na diumano niloloko umano ni Marc Pingris ang asawang si Danica Sotto dahil sinasabi ng netizens na may namamagitan kay Kim Rodriguez at Marc Pingris.

Kaya naman sa kauna unahang pagkakataon, hindi na nakatiis pa si Kim Rodriguez at tuluyan nang nagsalita pra matapos na diumano ang isyu tungkol sa kanya.

Wala umanong katotohanan ang lumalabas sa social media at dito rin inalam ni Ogie diaz bilang manager ang mga detalye ng litrato na pinagmulan ng espekulasyon ngayon.

PAHAYAG NI KIM :

“Tito, hindi po ‘yan totoo,Hindi po kami magkasama niyan. Sabi niya sa akin, kahit itanong niyo po sa girl na ‘yan kung magkasama kami ni Marc Pingris kung pareho niya kaming nakita na same time, I’m sure alam niya ang totoo,” 

Dito na idenitalye ni Kim Rodriguez sa kanyang manager ang totoong kwento sa likod ng mga litratong nagviral ngayon sa social media na kung saan nabahiran ng mga hakahaka at akusasyon.
Ayon kay Kim may dalawang kaibigan umano syang kasama ng pumuntang Sydney Australia, wala umano syang pakialam kung may litrato si Marc Pingris doon dahil marami naman umano ang bumibisita sa Sydney.

PAHAYAG PA :

“Ang sabi naman sa akin ni Kim, meron siyang dalawang kaibigan na kasama nung nagbakasyon sila sa Australia. Sabi sa akin ni Kim, anong pakialam ko kung may picture doon si Marc Pingris sa Opera house.

“E ako din may picture, lahat naman ng nagpupunta ng Syndney dapat may picture ka daw sa Opera House kaya may picture ako” 

Maraming mga netizens naman ang nagbigay ng kanilang mga komento tungkol dito 

AYON SA NETIZENS :

“Mag ingat Kim kaka usbong mopa sa abs-cbn simula pa pag boom mo talagang pag initan ka lalo pa galing ka sa kabila at ingat dn my dating alaga yan c Ogie na ang mga fans galit sa kanya baka ma damy ka”

“Pag Si ogie Diaz nagsabi asahan totoo Yan Hindi katulad Ng MGa na showbiz issue Nya nong MGa nakaraang buwan noon 100% totoo”

“Nasa babae Naman KC yan. Alam na may Asawa ang lalaki papatulan din. Ibig SABIHIN sadyang makere lang talaga, parang naubusan na ng lalaki kaya pati may asawa na TALO TALO na kaysa Wala.”

“Mukhang hindi naman talaga. Chismis lang. Sa dami kuno ng nakakakita na magkasama sila bakit walang picture. Kesyo nakita sa Dubai, sa kotse. Sa dami ng chismosa wala dyan maglalabas ng cp at kuhanan sila.”

“For someone na habang lumalaki na kulang ang family. I don’t think na kayang gawin yan ni Marc.”