Kissing scene ni Yassi Pressman at Boyfriend sa stage, viral

Usap usapan ngayon sa social media ang halikan ni Yassi Pressman at ng kanyang boyfriend sa mismong stage.

Naganap ang nasabing kiss sa stage na kung saan dinaraos ang Kaogma Festival nitong huwebes na kung saan nagviral ito sa social media.

Matatandaan noong nakaraang taon ay namataan ang dalawa na magkasama na kung saan nabigyan ng kulay na meron silang relasyon.

Agad naman sinagot ni Yassi ang hakahaka mula sa mga netizens noong 2023, at sinabing ayaw nang lagyan ng label kung anuman ang meron sa kanila ng lalaking nalilink sa kanya.

Nito lamang taon, buwan ng February ay namataan din o huli sa akto ng mga netizens si Yassi Pressman at ang kanyang rumored boyfriend na naghahalikan.

Kaya naman, hiyawan ang naging sagot ng mga netizens matapos masaksihan ang paghalikan ng dalawa sa mismong stage sa harap ng mga taong nanonood sa event ng Kaogma Festival.

Base sa mga artikulo sa social media, nagperform pa si Yassi Pressman dito , nagbigay sya ng isang mainit na production number.

Pagkatapos ng kanyang performance , ay pumunta naman agad si Yassi sa kanyang rumored boyfirend at sabay na kinanta ang kanyang Hero ni Enrique Iglesias.

Makikita sa video na habang tumatagal ay papalapit ng papalapit ang kanilang mukha hanggang sa naghalikan na ang dalawa ng ilang segundo na ikinahiyaw naman ng mga netizens.

Sa kabila nito, samut saring reaksyon naman mula sa mga netizens ang natanggap ng dalawa at marami sa mga ito ay negatibong komento.

May mga netizens ang nagsabing sanay naghanap ng pribadong lugar ang dalawa bago nila ito gawin.

Pero sa kabila nito, marami namang mga netizens ang kinilig sa eksenang nasaksihan nila mismo sa stage ng kanilang event.