Marc Pingris, nilinaw na wala silang relasyon ni Kim Rodriguez

Mariing pinabulaanan ni Marc Pingris ang mga haka haka na may namamagitan diumano sa kanila ng aktres na si Kim Rodriguez dahil lamang sa napansin ng mga netizens na parehong kuha ng litrato sa iisang lugar.

Matatandaang naging matunog ang pangalan ng dalawa matapos pumutok ang isyu na may relasyon ang dalawa at ayon sa mga netizens niloloko diumano ni Marc Pingris si Danica Sotto.

Samantala nauna na ngang ipinagtanggol ng kaibigan ni Danica Sotto si Marc Pingris hinggil sa mga kumakalat na chismis ngayon sa social media.

PAHAYAG NI PEBBLE DUQUE :

“Ay nako. He wont do that. Maraming priorities si Marc, They have a beautiful family.”

Paliwanag pa nga ni Duque na ang mga larawan diumano na kumakalat ngayon kay Marcay kuha pa ito mismo noong February kumpara sa mga larawan na ibinahagi ni Kim ilang araw palang ang nakararaan.

DAGDAG PA NYA :

“My bestfriend Danica and him have a very beautiful family, Holy week na, dasal nalang po tayo para naman mabawasan yung mga kasalanan natin “

Agad naman nagkomento si Danica Sotto sa post ng kaibigan para siguraduhin na walang panloloko na naganap sa pagitan nila ng asawang si Marc Pingris.

PAHAYAG NI DANICA :

“Kalma miga, We Love you”

Nireplayan naman agad ito ni Duque ng “Buti kapa kalma”

Samantala hindi naman nakapagtimpi pa si Marc Pingris kaya naman agad nitong pinabulaanan ang mga kumakalat na tsismis ngayon kung saan inililink sya sa aktres na si Kim Rodriguez.

Paglilinaw ni Marc, nagkasama lamang sila ni Kim Rodriguez sa isang basketball event na kung saan muse si Kim ng kanilang team.

PAHAYAG NI MARC :

“Walang katotohanan ang mga lumalabas na balita tungkol sa amin ni Ms. Kim Rodriguez. Walang namamagitan sa aming dalawa gaya ng sinasabi ng ibang tao.

“Nakasama ko po si Ms. Kim sa isang basketball event at sa isa pang event noong naging muse siya ng team namin. Salamat din sa nag pa abot ng concern. Ok kami ng pamilya ko.

“Wag na po tayo magpakalat ng mga balita na hindi totoo. Humihingi po kami ng respeto para hindi madamay ang mga anak namin ni Danica. Salamat po at God bless po.”