Pagkikita ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, may comeback ba?

Naging trending at usap usapan ngayon ang muling pagkrus ng landas ng ex couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kasal ni Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Dahil dito pinatunayan lamang na solid parion ang kanilang samahan dahil halos present ang mga malalapit nitong kaibigan sa kanilang kasal.

Makikita nga na sabay na umattend si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa ginanap na civil wedding nina Zanjoe at Ria nito lamang March 23 sa Quezon City.

Lingid naman sa kaalaman ng lahat na naroon din sa kasal ng dalawa ang ilang mga celebrities dahil narin sa ilang mga litrato at video na kumalat sa social media pero mas pinag usapan ang muling pagkikita ng kathniel.

Sa kabila nga nito, hindi maiwasan ng kathniel fans na makaramdan ng lungkot dahil hindi man lang nila nakita ang dalawa na may litratong magkasama.

Marami kasing mga litrato ni Kathryn Bernardo ang kumakalat sa social media sa nasaing event ngunit walang makikitang litrato na magkasama sila ng aktor na si Daniel Padilla.

Sa ilang kuha naman, makikitang kasama naman ni Daniel ang mga tropa nito katulad na lamang ng aktor na si Joshua Garcia.

Samantala, ipinasilip naman sa social media ng Nice Print Photography ang ilan sa shots o kuhang litrato sa ginanap na kasalan ng mag asawang Zanjoe at Ria Atayde.

Naging mainit na usapin sa social media ang biglaang pagpapakasal ng dalawa dahil matatandaang ilang buwan lamang ang nakakaraan ng magpropose si Zanjoe kay Ria Atayde.

May mga netizens pang nagsabi na tila nagmamadali ang dalawa magpakasal dahil sa buntis na umano si Ria Atayde.

KOMENTO NG NETIZENS :

“Sana kathryn wag knang mag pauto p ksy Daniel n yan n walang kwentang lalaki s buhay nkakawala kna s kanya sana nman totohamin mo ndi kana makikipag balikan p sa kamya kawawa kalang oag dating ng panahon kalbaryo ang buhay mo jn,”

“Iyan gusto ni Daniel, enjoy, enjoy lng.Pakitang tao! Kunwari love nya Kathryn, love nya rin si Andrea at ibang magagandang babae, ganyan ang babaero- changing, iba’t ibang babae ang gusto! Kathryn successful, Daniel binenta coche, bahay binibenta!”

“Bakit kaya yong salamin ni daniel di matangal tangal sya lang naka samalamin”