Pokwang, rumesbak sa netizen na tinawag syang laos

Rumesbak si Pokwang sa isang netizen matapos itong magkomento sa kanyang post at tinawag syang laos sa isang social media post.

Nito lamang Holy Wednesday, hindi pinalampas ni Pokwang  ang isang basher matapos itag sa kanya ng kanyang fans ang komento ng basher na tinatawag syang laos.

Ayon sa basher, simula umano lumipat si Pokwang sa GMA7 ay hindi na umalagwa ang kanyang karera at tila baka nagsisisi na ang komedyante sa paglipat nito maging ang pag iwan sa ere sa ABSCBN.

KOMENTO NG BASHER :

“laos na si Pokwang simula lumipat sa kamuning. Parang nagsisi nga daw na lumipat hehe kala kasi nila hindi makakabangon ang ABSCBN “

Na kung saan ibinahagi naman ito ng kanyang mga taga hanga para makarating sa kanya ang nasabing komento basher, may caption pa itong “Mamang true ba? @pokwang27

Agad naman itong sinagot ng Tiktoclock host na si Pokwang, tila nagtataka ang komedyante kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ngv basher sa kanya.

PAHAYAG NI POKWANG :

“Jusko saan galing mga animal na ito? dapat ito ang tinatapon sa China! mapag gawa ng usaping walang kwenta!”

Dagdag pa nya, masaya sya sa kung anuman ang kanyang estado ngayon sa kapuso network, dagdag pa nya malaki umano ang respeto nya sa ABSCBN kung saan sya nanggaling.

Bukod pa rito, nabanggit din nito ang pamunuan nang TV5 na kung saan inaalok din sya ng ilang mga trabaho .

DAGDAG PA NI POKWANG :

“masaya po ako sa @gmanetwork at mataas din respeto ko sa @abscbn both network at ang @tv5 ay mga malaking pasasalamat ko po dahil binuksan nila ang kanilang mga pinto sa aking talento #GratefulHeart sa mga mapaggawa ng kwento sa impierno bagsak nyo!”

Samantala wala parin balita hanggang sa ngayon tungkol sa kanyang dating partner na si Lee O Brian kung nakaalis na ba ito ng bansa o kasalukuyan nanatili parin rito sa kabila ng petisyon ni Pokwang na paalisin ito ng Pilipinas.

KOMENTO NG NETIZENS :

“Mag appear kayo ni Aiai,pareho na kayo nang level.huwag na kayong lumipat sa abs,maging loyal na lang kung saan kayo naroroon,ok naman ang abs na wala kayo.”

“Yung mga tao talaga sa panahon ngayong walang magawa gumagawa ng kwento”

“Yan ang napapala sa mga tao pabigla-bigla magdesisyon…isip isip mn”

“Hoy kung mgsalita nman yun nagsasabi kay Pokwang na laos akala mo hindi Pilipino kapwa Pinoy alam mo ba sinasabi mo kay pokwang may anak sya nagaaral iniwan pa sya ng ex nya sino mgppakain di sya rin ano ba kayo nga wlang magawa sa buhay nyo”