Richard Gutierrez at Barbie Imperial, exclusively dating ayon kay Ogie Diaz

Usap usapan ngayon sa social media ang balita tungkol sa pagdedate diumano ni Richard Gutierrez at Barbie Imperial.

Sa panibagong episode ng Ogie Diaz Showbiz updates natalakay dito ang dalawa na kung saan may kumpirmasyon si Ogie Diaz tungkol sa kanilang relasyon.

Kamakailan lamang ay naging laman ng social media ang dalawa matapos maispatan ang dalawa na magkasama sa South Korea.

Sa panibagong episode ibinhagi ni Ogie Diaz na kumpirmado na exclusively dating na si Richard Gutierrez at Barbie Imperial.

Ngunit ayon kay Ogie Diaz, walang kinalaman umano si Barbie Imperial sa naging hiwalayan ni Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

PAHAYAG NI OGIE DIAZ :

“Kumpirmado exclusively dating na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial ayon sa aming very reliable source. Walang overlapping na naganap at hiwalay na umano sina Richard at Sarah bago pa pumasok sa eksena si Barbie.”

“Last year pa hiwalay umano ang mag-asawa, pareho ng single at co-parenting na lang sa kanilang dalawang anak… Si Barbie ay ngayong taon lang nakapalagayan ng loob ni Richard… Barbie had nothing to do with the hiwalayang isyu”

Maraming netizens naman ang nag aabang ngayon sa magiging reaksyon ni Annabelle Rama sa napapabalitang relasyon ni Richard at Barbie Imperial.

Kilala si Annabelle Rama na prangka at direkta magsalita kapag may mga opinyon ito na gusto sabihin lalo na pagdating sa relasyon ng kanyang mga anak.

Matatandaan na naging matunog ang usapan ng pamilya matapos lumabas ang mga isyu na hiwalayan ni Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

Naging ugat umano ng kanilang hiwalayan ay ang pagkakaroon ng mga hindi pagkakaintindihan sa pagitan nilang mag asawa.

Pero hanggang sa kasalukuyan ay wala parin na lumalabas na pahayag mula sa dalawa sa kung anong tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.