Sachzna Laparan, ibinahagi mapait na karanasan noong bata sya

Matapang na ibinahagi ng vlogger na si Sachzna Laparan ang kanyang naging karanasan noong bata sya na nagbigay sa kanya ng trauma.

Ayon kay Sachzna sobra umano ang sakit ang ginawa sa kanya lalo pat wala syang magawa dahil maging ang mga lolo at lola nya ay pinagbabantaan din umano.

Yan ang naging pagbabahagi nya sa interview sa kanya ng aktres tv host na si Toni Gonzaga matapos mapag usapan ang karanasan nito noong kabataan nya na ayon kay Sachzna ay hindi nya malilimutan.

Pag amin pa ni Sachzna na ang lalaking gumawa sa kanya ng hindi maganda ay maituturing na malayong kamag anak pa nila  na syang pinaaral at inapon ng kanyang lolo at lola.

Paglalahad pa ni Sachzna nasa 17 years old na ang nasabing lalaki at syay nasa 5 taon gulang pa lang ng makaranas sya ng mga di kanais nais na sanay hindi nararanasan ng isang bata.

PAHAYAG NI TONI :

“Grabe yung pain, pero nagkaroon pa ng mas matinding pain kasi yung lola at lolo mo, may pinatira sa bahay ninyo,”

SAGOT NI SACHZNA :

“Actually, ano po namin siya, malayong kamag-anak. Ang lola ko sobrang bait, inampon niya, pinag-aral,”

“Parang seventeen siya that time pero ako noong time na no’n, five years old ako. Tapos wala naman akong kaalam-alam sa mga bagay kasi bata pa, kumbaga, kung anong gusto niyang ipagawa, gagawin ko,” sagot ni Sachzna.

Naikwento pa ni Sachzna kay Toni Gonzaga na dumating pa sa punto na nagtatago sya sa cabinet kada madaling araw dahil alam nya umano na papasok sa kwarto nya ang lalaki at dumadaan ito sa may binata.

Naranasan nya umano ang mahipuan sa maselang bahagi ng kanyang katawan , maging ang pagpasubo sa maselang bahagi ng lalaki sa kanya.

DAGDAG PA NI SACHZNA :

“Parang seventeen siya that time pero ako noong time na no’n, five years old ako. Tapos wala naman akong kaalam-alam sa mga bagay kasi bata pa, kumbaga, kung anong gusto niyang ipagawa, gagawin ko,

“Yes, paghipo sa private parts ko. Yung ari niya ipapaano niya sa bibig ko. Pinaka hindi ko makakalimutan, may time na kasi connecting [yung] room namin, umakyat siya sa bubong, bubong namin.

Tapos may bintana doon, pinapasok niya yung bintana na yun. So ako alam ko na ‘pag madaling araw na, pupunta siya sa kwarto ko.

“Ako naman, ginawa ko na, pumunta naman ako sa cabinet ko. Tapos may puwang doon nakikita ko [parang] sa movie na nakikita ko siya na hinahanap niya na ako,”

Matapang nyang ibinahagi kay Toni Gonzaga ang mga pagkakataon na kaapg nakita umano sya ng lalaki ay ginagawa nito ang mga nais gawin sa kanya.

Kasabay pa umano nito ang pananakot na kapag hindi sya papayag ay sasaktan ang kanyang lolo at lola maging ang kanyang nanay ay hindi na umano nya makikita.

DAGDAG PA :

“Tapos ‘yun nakita niya ‘ko, dinala niya na ‘ko sa kama ta’s ginagawa niya na yung mga gusto niyang gawin sa akin. Tapos siya na parang ‘pag sinabi mo ‘to, papatayin ko yung lola’t lolo mo.’ E sila lang meron ako nun. Tapos may pinapakita siyang mga kutsilyo, ganyan, so lalo akong natatakot. ‘Yung mama mo, ‘di mo na makikita,’ ganyan. So yun yung mga mahirap alisin sa memory na dinala ko yun nung teenager ako,” 

Kaya naman naitanong ni Toni Gonzaga kay Sachzna kung makakausap ang maliit na Sachzna ano ang kanyang sasabihin dito

PAHAYAG NI TONI :

“Ngayon 25 years old ka na. So 20 years ago, if you were to talk to that five-year-old little girl, anong sasabihin mo sa kanya?” 

SAGOT NI SACHZNA :

“Everything will be okay. Sobrang strong mo. Magiging okay din. Kasi walang nagsasabi sa ‘kin nun. Kasi wala naman nakakaalam ng story ko that time.

“Pero kung ako man yun, ang sarap-sarap yakapin ng five-year-old na Sachzna. Sobrang fragile, sobrang pure, innocent. Iba pa rin kapag forgiveness, hindi pa nag-sorry yung tao na yun sa ‘kin pero napatawad ko na e. Panalo na ako dun.

“Napatawad ko na siya kasi feeling ko kapag hindi ko siya napatawad parang hindi ko napapatawad yung sarili ko na kahit hindi ka mag-sorry, papatawarin kita kasi dun ako panalo. Okay na ako dun,” sagot naman ni Sachzna.”