Bonding ni Sharon Cuneta at Miel Pangilinan sa Japan, viral

Usap usapan ngayon sa social media ang ibihaging litrato ni Sharon Cuneta sa kanyang social media account tungkol sa naging bonding nila ng kanyang anak na si Miel Pangilinan sa Japan.

Masayang ibinahagi ni Sharon Cuneta ang ilan sa mga litrato na kuha mismo sa kanyang adventure trip ng kanyang anak na si Miel Pangilinan.

Sa magkakasunod na post ni Sharon, ipinakita nito kung gaano ka value ang pagkakaroon nila ng bonding kanyang anak.

Isa rin sa pinag usapan sa social media ngayon ay ang litratong ibinahagi nya sa kanyang instagram account na may caption “Yesterday at Ginza, Tokyo… Beautiful Japan”

Kapansin pansin maraming mga netizens ang pumuna sa mukha ni Sharon Cuneta dahil umano nasobrahan sa filter umano ayon sa netizens.

Hindi rin nakaligtas sa pambabatikos ng mga netizens ang anak nitong si Miel na kung saan maging ang hugis ng pangangatawan nito ay nabatikos.

KOMENTO NG NETIZENS SA IG :

“Bakit hinayaan lumaki ng ganyan”

“nasobrahan yata sa filter si madam sharon”

“I pity her daughter. As a mother, her childs health is her utmost priority. Obesity has a many health complications.”

Sa kabila naman ng pambabatikos, marami naman sa mga netizens ang nagtanggol sa anak ni Sharon at nagsabing hayaan ang anak ni Sharon kung ano ang gusto nito sa kanyang katawan.

Madalas sa panahon ngayon ang punahin ang mga bagay na dapat hindi na pinapansin na kung saan madalas ngayon ang pamumuna lalo pa nauso ang social media.

Mga netizens na walang pakundangan sa pagbitaw ng mga salita na hindi nila alam na nakakasakit na sila ng damdamin nang taong kanilang pinag uusapan.

KOMENTO NG NAGTANGGOL KAY MIEL :

“Omg, The comments about Miel size are so rude! Leave her alone, How do you all compliment the mom and insult the child? Thats wild ! I swear the pressure to fit the mold is too much! I wanna see everyone looking fit and healthy, please”

“People really need to stop commenting on other peoples bodies, Im sure they are aware of their own situations more than you are. You can all shut up and stop using unsolicited concern as a cover up for backhanded insults”