Coleen Garcia, inamin na muntik na sila maghiwalay ni Billy Crawford

Usap usapang ngayon sa social media ang naging rebelasyon ni Coleen Garcia tungkol sa pagsasama nila ng kanyang asawang si Billy Crawford.

Nangyare ang pag amin ni Coleen Garcia nang maging special guest sya sa programa ni Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda.

Kung saan sa nasabing interview ay itinanggi nya ang mga balita na kumakalat sa social media na hiwalay na sila ni Billy Crawford.

PAHAYAG NI COLEEN :

“Hindi, hindi po talaga. Never kaming nagbreak”

Ngunit aminado si Coleen Garcia na may mga pagkakataon na maging sya ay napapagod at ang gusto nya lamang ay hiwalayan si Billy.

Ngunit hindi naman umano ito nangyayare dahil ayaw ni Billy Crawford at gusto nitong pag usapan ang problema para maging maayos ang kanilang relasyon.

Marami na umanong beses na gusto nyang hiwalayan ang host na si Billy hindi umano dahil sa may nagawang mali ang kanyang asawa ngunit tila nasa sa kanya na umano ito.

Na kung makaramdam sya ng pagod sa buhay ay tila gusto na nyang sumuko at ang nasa isip nya ay makipaghiwalay na lang.

Nagpapasalamat naman si Coleen sa kanyang asawang si Billy dahil napaka hand on nito at responsable sa pamilya.

Hindi umano nito hinahayaan na lumipas ang problema kaya naman napag uusapan nila itong mag asawa.

DAGDAG PA NI COLEEN :

“There were a lot of instances na parang almost pero not really, kasi hindi sya pumapayag. Hindi talaga kasi sabi nya ‘No we will fix this’ Ipinaglalaban nya talaga always yung relationship.”

“I am thankful for that kasi I most of the times na gumigive up ako, its not because may nagawa sya pero napapagod ako.”

“I think ganun lang kasi talaga ako. Ganoon ako, Ayoko na. Tapos na ako’ parang palagi akong ganoon”