Maja Salvador, muntik nang manganib ang buhay pagkatapos manganak

Usap usapan ngayon sa social media ang post ni Maja Salvador sa kanyang Instagram account tungkol sa pinagdaanan nya habang isinisilang ang kanyang anak na si Maria.

Na kung saan ibinahagi ni Maja na nakaranas sya ng halos 30 hours na labor bago nya isinilang ang kanyang anak.

Ngunit sa kabila ng matagumpay na pagsilang sa kanilang anak ay ang pagkakaroon ng biglaang ganap matapos magkaroon si Maja ng tinatawag na uterine inversion.

Na kung saan kinailangan ng 3 ob gyne ni Maja na ibalik ang kanyang uterus na lumabas kaya naman ganun na lamang ang lumabas kay Maja na dugo.

Naging resulta ito ng pagbagsak ng kanyang blood pressure at ayon sa doktor ay maghanda si Maja dahil anumang oras ay baka dalhin sya sa operating room.

Aminado si Maja na hindi na nya kaya pang gumawa ng mga procedure dahil naubos na ang kanyang lakas dahil na rin sa napakaraming dugo ang nawala sa kanya.

Ang ginawa na lamang umano nya ay nagdasal ng paulit ulit hanggang sa naging okey na ang posisyon ng kanyang uterus.

Sa kabila ng lahat ng nangyare pinasalamatan ni Maja lahat ng umalalay sa kanya lalo na sa mga nurse na hindi sya sinukuan.

PAHAYAG NI MAJA :

Exactly a week ago…

“I experienced an intense 30-hour labor, 12 hours without epidural, 3 hours of pushing. Then ended up having episiotomy and forceps. 2 contractions and 7 pushes later, we finally welcomed our baby Maria.

Immediately had 10 minutes of skin-to-skin contact with her, but biglang nagka emergency… I had uterine inversion. Kaya kinailangan nilang kunin sakin si Maria at binigay nila kay Rambo who was seated helplessly next to my bed.

3 OB GYN were there trying to put back my uterus manually which led to blood loss of 3 to 4 liters, then my blood pressure went down to 60/40, sinabihan na lang ako ng Doula ko na anytime I would have to go to the operating room for surgery.

That time sabi ko nalang sa sarili ko na I can’t do anything anymore… ubos na ubos na lakas ko… I started praying Hail Mary… paulit ulit kahit wala na akong lakas. And miraculously, after their last attempt, one of the OB GYN succeeded in repositioning my uterus. AMEN!!!!

Despite the challenging journey, gusto kong i-express ang gratitude ko to all the medical personnel na nandun nun, especially to the filipino nurses who provided unwavering care and support.

Ate Vanessa, Angela, Ate Gloria, Ate Christina and Ate Beverly, Thank you 

To My Doula Grace, thank you for everything. You did your part beyond your job. You’re amazing! 

Recovering now…

Ang swerte kong kasama ko ang pamilya ko dito sa Canada.

Love you Mama, Kirby, Martin and Mom!

See you soon Ate Yans, Kuya and Big Babies.

Thank you also Dinahbabes and Yaya Lyn 

To My Husband, I LOVE YOU 

To My Maria, EVERYTHING IS WORTH IT! I LOVE YOU ANAK “