Nikko Natividad, gustong ipatanggal ng netizens sa Batang Quiapo

Usap usapan ngayon sa social media ang pagkakasangkot ng dating hashtag member na si Nikko Natividad sa kontrobersya matapos magbigay ito ng kanyang opinyon tungkol sa isyu ni Axel at Christine sa Its Showtime.

Naglabas ng opinyon si Nikko tungkol dito at ayon sa kanya ay naaawa sya sa mga contestants ng programa dahil imbes na exposure ang makuha ay trauma ang napunta sa kanila.

Sa pamamagitan ng kanilang instagram account ay nagsalita si Nikko tungkol dito ngunit makalipas lamang aqng ilang saglit ay binura nya ito.

Pero nilinaw ni Nikko na kaya nya tinanggal ang nasabing post ay dahil management decision umano ito ngunit hindi sya nagsisisi sa kanyang ginawa.

Aware din umano sya na may mga netizens na gusto syang ipatanggal sa Batang Quaipo na maging sya ay alam nya sa sarili na posible itong mangyare.

POST NI NIKKO :

“For the last time na magsasalita ako tungkol sa nakaraan kong post. Unang una sa lahat hindi ako nagsisisi na nagsalita ako ng sarili kong saloobin.

Hindi ako nagsisisi na ipagtanggol ang ibang tao. Nababasa ko mga komento nyo saken at ang gusto nyo mawalan ako ng trabaho dahil lang sa naglabas ako ng sarili kong saloobin. (Na alam ko na posibleng mangyari)

Kung ikekwento ko ba pinagdaanan at iniyak ko sakanila magbabago ba tingin nyo sakin? Pero hindi naman yun ang intensyon ko na kumuha ng simpatya o makisali lang sa gulo.

Naglabas ako ng saloobin ko dahil baka sakaling makatulong na may maayos o mabago na sitwasyon, Kasi ganun naman ang pamilya at kaibigan.

Tatapikin ka kapag alam mong sumosobra o medyo nagkakamali na.Hindi po ako naghahanap ng kaaway, ang pagkakabura po ng post ko ay management decision, tunay at bukas sa isip at puso ko ang sinabi ko, payapa ang aking kalooban, “