MTRCB Lala Sotto, sinabing tama ang ginawa ni Vice Ganda

Usap usapan ngayon sa social media ang naging opinyon ng MTRCB chairperson Lala Sotto tungkol sa usapin ngayon na kinahaharap ng Its Showtime host na si Vice Ganda.

Ito ay may kaugnayan sa nangyareng pagcall out sa contestant ng Expecially For You na si Axel Cruz.

Matapos magulat ang mga hosts sa akmang paghalik diumano ni Axel sa searcher na si Christine.

Sa pinakabagong episode ng programa ni Ogie Diaz hiningan ng opinyon ang MTRCB chairperson tungkol sa naging aksyon ni Vice Ganda.

Ayon sa kanya, walang mali umano sa ginawa ni Vice Ganda at tama lamang umano ang hakbang na ginawa nito.

Dahil nararapat lamang na icall out ang mga ganung senaryo na nangyayare sa programa.

PAHAYAG NI LALA SOTTO :

“I dont have an official statement but in my opinion, the hosts acted appropriately on the given situation”

Samantala marami namang netizens ang nagbigay ng kanilang reaksyon tungkol dito sa naging sagot ni Lala Sotto.

KOMENTO NG NETIZENS :

“Correct he’s the one tried to take advantage like they are close and the girl tried to avoid his face . So that yun nakita ng host at tama lng na sabihan sya.”

“Tumama ka dyan ngayon miss lala. Nag react lang si vice base sa sitwasyon”

“Correct, hindi naman mag react ng ganun ang host kung hindi nakita sa reaction ni girl…”

“wala naman kasing mali sa ginawa ni vice sadyang nagbubulag bulagan lang ung mga basher at nag hahanap ng butas para mawala ung binabash nila”

“Tama lang naman kasi talaga yung ginawa ni Vice lol. Ang tinitignan kasi ng MTRCB is kung may nasabi bang di maganda or aksyon na di maganda like kung nagmura ba. O oa kasi nitong mga to karamihan pa dyan mga lalake. Inis lang talaga kayo kay Vice kaya kung ano ano na naiisip niyo.”