Vice Ganda, nakiusap sa netizens na wag nang ibash si Axel at Christine

Usap usapan sa social media ngayon ang ginawang statement ng programang Its Showtime sa pangunguna ng main host nitong si Vice Ganda.

Nakiusap ang TV host na si Vice Ganda sa publiko na tigilan na ang pambabatikos at pangungutya kina Axel at Christine.

Silang dalawa ay nakilala bilang searchee at searcher ng segment ng Its Showtime na Expecially For You.

Nagsimula ang isyu matapos na muntikan na diumano na ikiss ni Axel si Christine na sya naman nacall out ng host na si Vice Ganda.

Ang nasabing pagcall out ni Vice Ganda kay Axel ay nagdulot ng isang napakalaking isyu ngayon sa social media.

Na kung saan mas lumawak pa ang isyu matapos magsalita ng Showtime tungkol dito lalo nang may kumalat sa social media na video diumano ni Christine na umiiyak.

Sa nasabing statement ng programa na pinangunahan ni Vice Ganda nakiusap sya sa mga netizens na tigilan na ang pambabatikos sa dalawa.

Wala umanong problema sa kanya kung sya ang batikusin ng mga netizens dahil nasanay na umano sya sa araw araw na natatanggap nyang bashing.

PAHAYAG NI VICE GANDA :

“So, let’s stop shaming Christine na sinasabing ‘Napakaarte mo, hindi ka naman maganda.’ Karapatan po ni Christine iyon. At si Axel, bilang tao, karapatan rin po niyang matuto kaya bigyan natin siya ng pagkakataong matuto. Let’s stop bashing them.” 

“Kung gusto niyo po akong i-bash, okay lang sa akin. Kung sinasabi niyong kasalanan ko ‘to, okay lang. Pero nakikiusap po kami, kung maaaari, huwag niyo pong i-bash si Axel at si Christine.” 

“And again, Axel, Christine, nandidito kami, sasamahan namin kayo iproseso at gagabayan namin kayo [hanggang] sa tuluyan natin ‘tong malampasan at kapulutan ng aral.” 

PANOORIN ANG VIDEO :

@itsshowtimena WATCH: It's Showtime's Official Statement regarding the episode of EXpecially For You last May 31, 2024 #abscbn #itsshowtime ♬ original sound – It’s Showtime