Nikko Natividad, may malamang patutsada kay Vice Ganda tungkol sa pamamahiya kay Axel Cruz at Christine?

Usap usapan ngayon sa social media ang post ni Nikko Natividad sa kanyang social media accounts patungkol sa usap usapan ngayon na mga naging searchee at searcher sa segment ng Its Showtime na Expecially For you.

Nagbahagi ng sentimyento si Nikko sa kanyang social media na kung saan nakaramdam umano sya ng awa sa dalawa dahil gusto lamang nito ng exposure ngunit napahiya pa ito sa programa.

Ang nasabing post ni Nikko ay kasalukuyan din na binura agad matapos magviral ito at makuha ang atensyon ng karamihan.

Pahayag ni Nikko rito ay naaawa umano sya kay Axel na nagkamali nang hindi naman sinasadya.

Sobra diumano napahiya ang lalaki sa pagcall out dito ni Vice Ganda matapos sabihan pa itong pwede itong makasuhan dahil sa kanyang ginawa.

Ayon pa kay Nikko, tanging si Christine lamang umano ang makapagsasabi kung naoffend sya mga nangyare o hindi.

Dagdag pa ni Nikko, naiintindihan nya umano ang dalawa dahil naranasan nya din umano ang mapahiya sa TV at mapagtripan.

PAHAYAG NI NIKKO NATIVIDAD :

“Ipagpalagay na natin na bebeso talaga yung lalaki. Hindi naman nya intensyon manyakin sa live yung babae. Ang mali lang nya ay hindi nya alam na need pala muna magpaalam bago bumeso (kunwari lang na bebeso talaga sya ha)”

“Naaawa lang ako sa lalaki na may nagawang mali pero hindi nya talaga intensyon. At syempre dun sa babae. Na offend man sya o hindi sya lang ang makakapag sabi nyan.”

“Kung na offend man sya alam ko na mapapatawad nya yung lalaki Sobra lang kasi napahiya yung lalaki na sasabihan pa na tatadyakan at pwede kasuhan. (Again sakin lang po ito ha ) ALAM KO KASI PAKIRAMDAM NG PINAPAHIYA SA TV AT NAPOPOWERTRIP BASE SA EXPERIENCE KO e”

Sunod pa rito ang pagpost ni Nikko nang naawa umano sya sa dalawang contestant dahil imbes na exposure ang makuha ng dalawa ay trauma ay nakuha nila.

DAGDAG PA NI NIKKO :

“Naaawa ako sa dalawang contestant. Gusto lang nila maexperience ang exposure pero sobrang trauma ang nakuha nila “

Pahabol pa ni Nikko sa pamamagitan ng isang story ang salitanh ‘Lalagyan lang nya ng charot sa dulo lulusot na yan’

Sa kasalukuyan habang isinusulat ito ay wala paring pahayag si Vice Ganda sa naging post ni Nikko Natividad.