Andi Eigenmann, nanghihinayang sa mga oras na dapat kasama pa ang kanyang ina

Usap usapan ngayon sa social media ang naging interview ng King of Talk na si Boy Abunda sa aktres na si Andi Eigenmann.

Kung saan napag usapan nila rito ang tungkol sa yumaong ina ni Andi na si Jaclyn Jose na kung saan maraming panghihinayang ang aktres na hindi nya nagawa nang nabubuhay pa ang ina.

Ayon kay Andi maraming mga bagay sana na kanyang ginawa kasama ang kanyang ina lalo pa sa kagustuhan nitong pumunta nang Siargao.

May mga pagkakataon diumano na gustong pumunta nang kanyang ina sa Siargao ngunit nagiging busy ito.

Aminado rin si Andi Eigenmann na magkaiba sila ng ugali ng kanyang ina at may mga pagkakataon na sila ay nagtatalo at hindi nagkakasundo.

Nag upload si Boy Abunda ng isang teaser video sa kanyang youtube channel tungkol sa emosyonal na interview kay Andi.

Ayon kay Andi, maraming bagay na pinanghihinayangan sya na sanay nagawa nya noong nabubuhay pa ang kanyang ina.

Dagdag pa nya, na masakit para sa kanya na unti unti nang nawawala ang mga taong mahalaga sa buhay nya.

Dahil ang akala nya ay may oras pa para sila ay magsamasama at magawa ang mga bagay na magkakasama.

PAHAYAG NI ANDI :

“Magkaiba kami ni nanay to the point na hindi kami magkasundo. Binigyan niya ako ng blank space.”

“Of course I wish I visited her more. Of course I wish all the times that she said next time na siya magsi-Siargao”

“I wish I just picked her up ang just forced her to come visit. Parang ang hirap para sa’kin na isipin kasi ito yung mga importanteng tao sa buhay ko. Unti-unti na silang nawawala tapos akala ko nandiyan lang sila. Akala ko may oras pa. “