Christine, iyak ng iyak matapos gawin sinungaling umano ng It’s Showtime

Usap usapan ngayon sa social media ng kumakalat na video ni Christine na kung saan iyak ito ng iyak matapos umanong gawin syang sinungaling ng mga staff ng Its Showtime.

Ang video na kumakalat ngayon ay base o kuha umano pagkatapos na mag ere ng statement sina Vice Ganda tungkol sa naging isyu ni Christine at niAxel Cruz.

Ayon sa video, tila ginawang sinungaling umano si Christine matapos palabasin sa statement ng Its Showtime na totoong naoffend si Christine sa ginawa ni Axel.

Makikita sa video na sobra ang iyak ni Christine dahil nagmumukha umano syang sinungaling sa mata ng mga tao dahil sa ginawang statement ng programa.

CAPTION SA VIDEO :

GINAWA N’YO AKONG SINUNGALING!

‘Yan ang madiin na sagot ni Christine sa Its Showtime staff na tumawag sa kanya matapos ang kontrobersyal na pagbawi ni Vice Ganda ng apology kay Axel Cruz. Ito ay nakitang sinabi mismo ni Christine habang umiiyak na kausap sa telepono ang IST staff sa isang video (kuha ng kapatid ni Christine) na in-upload ng kapatid ng ex-boyfriend ni Christine na nagmamalasakit sa kanya. “

“Dahil ayon sa nag-upload, lalong na-bash si Christine matapos ang statement ng IST nang pagbawi ng sorry kay Axel. Hysterical at walang tigil sa pag-iyak si Christine na nakikipagtalo sa IST staff na may tila misunderstanding sa nakaraang pag-uusap nila at hindi umayon sa ikabubuti ng sitwasyon bagkus ay mas lumala pa. Sabi ng nag-upload ng video na kaibigan din ni Christine sa panghuling mensahe nito na “Showtime, ayusin nyo to!“

Ang nasabing uploader ay kapatid diumano ng ex ni Christine at sinend umano sa kanya ang video na kung saan nakakaawa umano ang sitwasyon ni Christine ngayon.

Kaya naman umano minabuti nyang magsalita at ilabas ang video upang matigil na ang pambabatikos ng mga netizens kay Christine.

Matatandaan na naglabas ng opisyal na pahayag si Vice Ganda kasama ng ilang host ng Showtime tungkol sa insidente na nangyare.

Hiling naman ng uploader ng video na sana ayusin na umano ng Its Showtime ang isyu na ito para malinis ang pangalan ni Christine.

PART 2