Vice Ganda, hindi magsosorry kay Axel Cruz ‘I dont need to apologize for what I did’

Trending at usap usapan ngayon sa social media ang isinagawang official statement ng buong host ng Its Showtime sa live broadcast tungkol sa nangyareng insidente sa episode ng Expecially For You noong May 31.

Kung saan naging usapin sa social media ang pagcall out kay searchee Axel Cruz dahil sa akmang pagbeso nito sa searcher na si Christine.

Sa episode ngayon araw June 4, naglabas ng official statement si Vice Ganda kasama ng mga host at ayon kay Vice binabawe nya ang kanyang nasabi sa tweet tungkol sa pagsosorry kay Axel.

Matatandaan na nagtweet si Vice na kung saan mag aapology umano sya kay Axel dahil namali ang kanilang reaksyon.

Pero ngayong araw ay binabawi ni Vice Ganda ang naging pahayag nya sa Twitter, sa tulong narin ng mga psychologist at buong pamunuan ng Its Showtime ay napagdesisyunan nilang hwag magsosorry sa ginawa nilang pagcall out.

Ayon kay Vice, kung sakaling hindi nila nacall out ang ginawa ni Axel ay sila ang makocall out ng netizens dahil hinayaan nila ang nangyare.

Nagbase umano sila sa mga nasaksihan nila sa studio at sa reaksyon ng searcher na si Christine na kung saan matapos ipatawag muli ay umamin ito na talagang sya ay naoffend sa naging aksyon ni Axel.

May rason umano si Christine kung bakit gumawa ito ng tiktok video at sinabing hindi sya naoffend at namisinterpret lamang ng mga host ang kanyang reaksyon.

Maging si Axel ay nakausap rin umano ni Vice Ganda at nagsosorry ito kay Vice Ganda dahil nabatikos ng husto ang host dahil sa nangyare.

Aminado naman umano si Axel na mali ang kanyang ginawa kaya naman tinutulungan sila Christine at Axel na iproseso ang mga nangyare noong May 31.

PAHAYAG NI VICE GANDA :

“I said I will say an apology, ngunit bago ko ‘yun gawin dito sa Showtime, ay nag-usap usap kami ng staff, ng aming management, ng aming unit head, ng aming mga producers, at kaming mga hosts, at pinag-aralan namin ang mga nangyari,”

“kasama na rin ang mga psychologists ng Showtime…at nakausap po naming muli si Christine at Axel. At dahil po doon…”

“Binabawi ko po ang tweet ko na I will say an apology, because i dont need to apologize for what i did. Ito ang aking paniniwala at paniniwala rin namin na hindi naman kailangan mag apologize because what we did is right “

“Again, nakausap namin sila, at si Christine, base doon sa Tiktok video at sinabi nyang hindi siya na-off and it was okay. Pero nakausap ulit namin sya ng aming staff, producers, at mga psychologists, inamin niyang talaga namang na-off siya. “

“Meron syang naramdaman, na hindi sya komportable, sa ginawa ng searchee. Meron siyang dahilan kung bakit sinabi nya yon sa Tiktok, na hindi na rin namin isi-share…”