Andi Eigenmann, may reaksyon sa pinabayaan na ang sarili na komento ng netizens

Usap usapan ngayon sa social media ang tila naging sagot ni Andi Eigenmann sa kanyang mga bashers na kung saan sinabihan syang pinabayaan ang kanyang sarili.

Na sya umanong dahilan kung bakit tumitingin si Philmar Alipayo ng ibang mga babae na mas maganda ang mukha at pangangatawan.

Matatandaan na mas pinili ni Andi Eigenmann ang magkaroon ng simpleng pamumuhay sa kabila ng kasikatan at karangyaan nya sa buhay.

Ilang taon na ang nakaraan na nang mainlove si Andi kay Philmar at mas napamahal si Andi sa isla ng Siargao.

Kaya naman sa buhay na kanyang pinili na kung saan maraming artista ang di kayang gawin ang sinakrispisyo ni Andi.

Maging ang yumao nitong ina na si Jaclyn Jose ay hanga kay Andi dahil sa kabila ng kasikatan nito ay kaya nitong talikuran ang lahat para magkaroon lamang ng simpleng buhay.

Subalit ang pagkakaroon ng simpleng pamumuhay ni Andi ay tila hindi pasok sa panlasa ng karamihan sa mga netizens.

May mga nagsasabing pinabayaan na umano ni Andi ang kanyang sarili kaya naman bilang sagot may pahaging si Andi sa kanyang instagram post.

Nagbahagi si Andi ng ilang litrato na kung saan nagsusuot lamang sya ng mga simpleng damit at maging aang pagsuot nya ng tsinelas ay ipinakita rin nito.

POST NI ANDI :

“Haters would say, pinabayaan ang sarili. Hindi man lang mag ayos”… I would say …komportable chic or Qrated pambahay realness! Pretty much the only thing i dont do on purpose is forget my slippers”

Marami namang netizens ang humanga sa pinapakita ni Andi Eigenmann na simpleng pamumuhay.

Iilan lamang sa mga artistang katulad ni Andi ang kayang iwanan lahat ng kasikatan magkaroon lamang ng maayos at payak na pamumuhay.