Vice Ganda, magpublic apology kay Axel Cruz dahil sa maling reaksyon nya

Usap usapan ngayon sa social media ang post ni Vice Ganda sa kanyang twitter account kasabay nito ng pagrepost ng pahayag ng contestant ng Expecially For You na kung saan akala umano ni Vice ay nanakawan ito ng halik ng searchee na si Axel Cruz.

Sa kakatapos lamang na segment ng Expecially For You nito lamang May 31 na kung saan sumalang si Christine upang makahanap ng bagong kakilala,

Kabilang dito si Axel sa mga dapat pagpilian ni Christine ngunit sa kasamaang palad ay hindi nya ito napili.

Kaya naman sa bandang huli ng programa ay magbibigay dapat ng mensahe si Axel kay Christine, ngunit bago paman magsalita si Axel ay nakipag apir na ito kay Christine.

Sabay naman nitong nilapit ang kanyang mukha kay Christine na ang akala nang mga host ay tangka nitong hahalikan ang babae.

Kaya naman tila hindi ito nagustuhan ni Vice Ganda kaya naman mismong sa live television ay nakapagbitaw ito ng salita laban kay Axel.

PAHAYAG NI VICE GANDA :

“Oy hindi pwede yun, thats bad. Dont do that, you ask for permission. Alam mo bang pwede kang mademanda sa ginagawa mo? Dont do that. hindi ka pwede biglang magnakaw ng halik.”

Kaya naman ilang araw lamang ang nakalipas ay nagsalita na rin ng tuluyan si Christine at sinabing hindi naman umano sya nabastusan sa ginawa sa kanya ni Axel.

Hindi din umano na totoo na nanakawan sya nito ng halik dahil tila icocomfort lang umano sya nito dahil sa may pinagdadaanan sya.

Ang nais lang umano siguro ni Axel ay matapik ito sa braso na kadalasan ginagawa ng mga magtotropa.

Kaya naman dahil sa statement ni Christine ay naglabas naman ng pahayag si Vice Ganda tungkol dito at sinabing ang akala nya ay nabastusan si Christine dahil sa naging reaksyon nito.

Pero dahil malinaw na umano sa kanya na wala naman umanong probema ay maghihingi ito ng tawad mismo kay Axel.

PAHAYAG NI VICE GANDA :

“Sorry na mali ang reaksyon ko. Ang dating kasi saakin at sa ibang andun eh na off si girl na sinunggaban sya ng halik and i thought na she felt violated. Since hindi naman pala I will apologize to the guy.”

Samantala nagsalita naman si Axel Cruz sa pamamagitan ng kanyang account para ipagtanggol ang kanyang sarili.

PAHAYAG NI AXEL CRUZ :

“Sana po wag kayo magpost ng kung ano ano against me, im not intended to kiss her, its just like a bro code after shakes hands dikit balikat, umiwas lang si girl akala kasi hahalikan ko pero watch nyo ng slow thanks.”

Marami namang mga netizens ang humiling kay Vice Ganda na sanay gawin nito ang pagsorry kay Axel sa national tv dahil doon din ito napahiya.