Philmar Alipayo, nagsalita na tungkol sa kumalat na video nila ni Crissa Liaging

Sa kauna unahang pagkakataon ay sinagot na ni Philmar ang tanong ng mga netizens tungkol sa video na kumakalat sa social media ngayon.

Nagkaroon ng ingay sa social media ang pangalan ni Philmar Alipayo at Crissa Liaging matapos kumalat ang video na kung saan makikitang tila may something umano sa dalawa.

Nakadagdag pa rito ay ang kanta na ginamit sa video na syang nagpalakas ng hinala ng netizens na tila may nangyayaring hindi tama na posibleng masaktan si Andi Eigenmann.

Makailang beses narin nagsalita si Crissa Liaging para pasinungalingan ang nasabing isyu at ayonc sa kanya wala umano syang pamilya na sinisira.

Aminado din sya na imposibleng patulan sya ni Philmar dahil walang wala ang kanyang itsura sa asawa nitong si Andi Eigenmann.

Nakatanggap ng samut saring batikos mula sa netizens si Crissa Liaging dahil sa kumakalat na video nila ni Philmar.

Sa kauna unahang pagkakataon, maging si Andi Eigenmann ay nagsalita narin para linawin ang isyu na lumalabas sa social media ngayon.

Maging si Philmar ay nagsalita na rin at sinabing pawang edited o splice video ang mga kumakalat sa social media.

Maging silang mag asawa ay nagtatawanan na lamang dahil maraming mga edited na litrato at video ang pinapakalat ngayon para sirain ang imahe ni Philmar.

Nagsalita si Andi sa programa ni Boy Abunda at dito nya sinagot ang opinyon nila ni Philmar tungkol sa naging isyu nito.

Idenitalye din ni Boy Abunda ang ilan sa sagot ng mag asawa sa totoong nangyari talaga noong gabi na nakuhanan ang dalawa ng video.

PAHAYAG NI TITO BOY :

“What happened was, uminom si Philmar had a friendly conversation with this girl on the video and thats it, sabi ni Philmar at sabi ni Andi “

DAGDAG PA :

“What bothered to them , it was edited and uploaded to create an issue “

Samantala base naman sa kumakalat ngayon sa social media, humingi naman na umano ng patawad si Crissa Liaging kay Philmar at Andi.